Hindi ko Kaya!!!

Monday, May 14, 2007

Ang sabi ko sa sarili ko...
Kaya kitang kalimutan...
At nagawa ko yun...
Matapos ang lahat ng luha...
Nagawa ko yun!
Naalis ko sa puso ko ang paghahangad...
Na mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sa yo...
Natira ang pagmamahal sa isang kaibigan.
Alam kong mabubuhay ako...
Kahit wala ka sa aking tabi...
Mabubuhay ako!
Pero hindi ko sinabi na...
Pwede ka nang mamatay...
Ang sabi ko...
Mabubuhay ako nang wala ka sa tabi ko...
Hindi nang patay ka!
Ano ka ba naman...
Wala namang ganyanan...
Hindi ko kaya yun!